Pages

Thursday, August 07, 2014

Resolusyon na gawing national road ang access road ng KIA, aprobado na sa SP Aklan

Posted August 6, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Aprobado na sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang resolusyon na gawing national road ang access road ng Kalibo International Airport (KIA).

Sa ginanap na 26th regular session ng SP Aklan kaninang umaga, ipinasa ng kapulungan ang hiling na resolusyon ni Gov. Florencio Miraflores na e-convert ang access road nito sa national road.

Ito’y upang magkaroon ng financial assistance na gagamitin sa pagpapalapad nito, kung saan nakasaad din sa nasabing resolusyon ang pagkakaroon ng Road-Right-of-Way (RROW) na mag-comply ng 20 meter requirement.

Samantala, nabatid na patuloy ngayon ang pagpapaunlad ng nasabing paliparan lalo na’t dumadami na rin ang mga direct flights mula abroad.

Inuuna umanong ipinapagawa ang run way nito na matagal na ding naging plano ng pamahalaang probinsyal ng Aklan.

Nauna ding sinabi ng Aklan Provincial Government na madami silang kailangan gawing proseso para sa pagpapalaki ng KIA kabilang na ang pagbili ng lupain na tatamaan ng pagpapahaba ng run way at pag-iba ng rota ng kalsada sa labas ng airport.

Kaugnay nito, inaasahan naman na lalo pang dadami ang international flights makaraang maging tanyag  pa ang isla ng Boracay sa ibat-ibang panig ng mundo.

No comments:

Post a Comment