Posted August 6, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Pag-uusapan sa isang closed-door meeting ng DOT at
Boracay Redevelopment Task Force ang problema sa drainage at pumping station sa
isla.
Kaugnay nito, umaasa umano si DOT o Department of
Tourism Regional Director Helen Catalbas na magkakaroon na ng konkretong
kasagutan tungkol sa estado ng mga nasabing tourism infrastructure project.
Maliban dito, pag-uusapan din kung papaano masosolusyunan
ang matagal nang problema sa baha at kung ano ang bahaging dapat gampanan ng
TIEZA o Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority, Boracay Island Water
Company at LGU Malay.
Samantala, sinabi pa ni Catalbas na dadalo din sa
nasabing pagpupulong si mismong DOT Undersecretary Maria Victoria Jasmin.
Magugunitang umani ng batikos at reaksyon mula sa
social media, mga turista at maging sa mga lokal na residente ng isla ang
naranasang pagbaha nitong nakaraang buwan na isinisi naman ng publiko sa
baradong drainage at hindi gumaganang pumping station.
No comments:
Post a Comment