Posted August 6, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinag-aaralan pa ng Sangguniang Bayan ng Malay ang
pagpasok ng ilang kompanya ng E-trike sa isla ng Boracay.
Ito’y matapos ang sunod-sunod na paglapit ng ilang E-tricycle
company sa LGU Malay para ipaabot ang kanilang kahilingan na makapag-operate sa
isla.
Ayon naman kay SB Member at Chairman of Committee on Laws
and Ordinance Rowen Aguirre, magkakaroon umano sila ng kunting adjustments para
sa muling pagtalakay nito sa mga susunod na Session.
Sa kabilang banda wala namang nakikitang problema ang SB
Malay sa mga E-trike na bumibiyahe ngayon sa Boracay na iba’t-iba ang kulay.
Nabatid na wala namang naging requirements ang LGU para
sa kulay ng e-trike na kailangang bumiyahe sa isla dahil sa ibat-ibang kompanya
ang may hawak nito.
Samantala, maaaring ilan pang makukulay na e-trike ang
makikita sa Boracay sa sandaling maaprubahan na ng SB Malay ang kanilang
operasyon sa isla.
No comments:
Post a Comment