Posted July 9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy ang pagbibigay ng Department of Trade and
Industry (DTI) Aklan ng mas mabilis na serbisyo sa mga bayan sa probinsya.
Katunayan, sinimulan ngayong Hulyo ng DTI ang kanilang
programa katuwang ang Industry’s Business Assistance Centers (BACs) para sa
operasyon sa lahat ng bayan sa probinsya.
Ayon sa DTI, nagkaroon din umano sila ng extension office
sa mga munisipyo sa bayan ng Aklan sa pangunguna ng kanilang regular employee
katuwang ang ilang staff ng LGU.
Napag-alaman na ang BACS ay gumawad ng MSME o Micro, small
and medium enterprises para sa mga serbisyo sa pagkonsulta, magbigay ng
impormasyon at tulong sa Pagpaparehistro ng Pangalan ng negosyo.
Layunin umano ng programang ito na mapalapit ang serbisyo
ng gobyerno sa tao, layunin at masubaybayan ang presyo ng mga produkto at
suplay ng basic commodities at prime commodities.
No comments:
Post a Comment