YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 09, 2014

LGU Malay, humingi na ng technical assistance sa TIEZA kaugnay sa nararanasang pagbaha sa Boracay

Posted July 9, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Humingi na ng technical assistance sa TIEZA kaugnay sa nararanasang pagbaha sa Boracay ang LGU Malay.

Ayon kay TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority Engineer Giovanni Rullan, nag-usap na sila kahapon ni mismong Mayor John Yap at ng Boracay Redevelopment Task Force kung saan kinumpirma din nito na on the way ang pump para sa pumping station o flood control project ng TIEZA.

Ayon kay Rullan, maaaring makarating na sa Boracay ang nasabing pump sa Sabadong ito o sa Linggo at maaari nang i-testing sa susunod na linggo.

Samantala, base naman umano sa kanyang personal na paniniwala, sinabi pa ni Rullan na talagang malakas ang ulan nitong mga nakaraang araw kung kaya’t bumaha sa mga pangunahing kalsada ng Boracay.

Magkaganon paman, sinabi  din nito na hindi sana ganon kagrabe ang baha kung hindi isinara ang ilang emergency out flow o labasan ng tubig katulad ng sa Lugutan, Manoc-manoc at sa station 2 beach front.

Naghihintay narin umano sila ngayon kung ano ang magiging instruction sa kanila ng TIEZA sa kung ano ang technical assistance nilang maibibigay sa LGU Malay.

No comments:

Post a Comment