Posted July 7, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagdulot ng perwisyo para sa ilang business establishment
at turista ang pagbaha sa D’Mall area dahil sa ilang araw na pag-buhos ng ulan.
Ito’y dahilan na rin sa baradong drainage kung saan dapat
dadaloy ang tubig baha kapag ganitong tag-ulan.
Kanya-kanya namang diskarte ang mga mga nagtratrabaho sa
D’Mall para hindi pasukin ng tubig ang kanilang mga establisyemento.
Maging ang mga turista ay walang nagawa kundi lusungin
ang tubig baha para lamang mapuntahan ang ibat-ibang souvenir shops mga sikat restaurants,
spas at hotel.
Samantala, maging ang main road ng Brgy. Manoc-manoc at
Brgy. Brgy. Balabag ay ilang araw na ring nakararanas ng pag-baha dulot ng
walang tigil na pag-ulan dahil sa sama ng panahon.
Nabatid na patuloy naman ang ginagawang pag-momonitor ng
Lokal na Pamahalaan ng Malay sa mga lugar na binabaha sa isla ng Boracay para
magawan ng solusyon.
No comments:
Post a Comment