Posted July 8, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni BRTF o Boracay Redevelopment Task Force
Secretary Mabel Bacani kaugnay sa nararanasang pagbaha sa isla ng Boracay
ngayon.
Kasabay din ito ng paalala ng BRTF sa mga
establisemyentong nagpapalabas ng tubig-baha sa dagat.
Nagkanya-kanya kasi ang mga nasabing establisemyento na
i-pump ang baha mula sa kanilang lugar dahil sa barado naman ang drainage ng
TIEZA o Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority sa Boracay.
Kaugnay nito, sinabi ni Bacani na hindi nila maaaring
galawin ang drainage project dahil hindi pa ito nai-turn over sa kanila ng
TIEZA.
Magkaganon paman, aminado ang BRTF na hindi nila masisisi
ang mga establisemyentong kusang gumawa ng paraan upang mailabas ang baha sa
kanilang lugar.
Patuloy namang nag-iikot ang mga taga Boracay Solid Waste
Action Team at BRTF at patuloy na tumatanggap ng mga reklamo kaugnay sa
nararanasang pagbaha sa isla.
No comments:
Post a Comment