Posted July 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon kay Malay Local Government Operations Officer
(MLGOO) V Mark Delos Reyes, sinisikap ngayon ng kanilang tanggapan na hanggat
maaari ay mabili agad ang nasabing fire truck dahil kailangan talagang may mabilisan
na responde sakaling may mangyaring sunog sa bayan o mainland Malay.
Samantala, nabatid na ang fire truck ng TransAire
sa Caticlan Airport ang nagsisilbing responde sa tuwing may sunog sa mainland
Malay.
Matatandaan din na unang hiniling ni Malay Mayor
John Yap sa Committee on Budget and Appropriation ng SB Malay na maglaan ng
pondo na P 3, 229. 424.20 para sa pagbili ng naturang fire truck.
Ngayong buwan naman, sinabi din ni delos Reyes na
naka line up na rin ang iba’t-ibang aktibidad ng MDRRMC-Malay kaugnay sa National
Disaster Consciousness Month.
No comments:
Post a Comment