Posted July 10, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga myembro
ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan na mahati ang probinsya ng Aklan sa
dalawang distrito.
Sa resolusyon na ini-akda ni SP Member Emmanuel
Soviet Russia Dela Cruz, desidido itong ipaabot ang sentimyento ng mga Aklanon na
gawing “two legislative district” ang probinsya.
Ayon kay Dela Cruz, matagal nang kwalipikado ang
Aklan para gawin itong dalawang distrito.
Base kasi sa pinakahuling census ng National
Statistics Office (NSO), nabatid na mahigit kalahating milyon na ang populasyon
sa Aklan.
Kung maaalala, nakapasa na sa House of
Representative ang panukalang ito ni dating Aklan Congressman Florencio
Miraflores sa pamamagitan ng House Bill No. 3860.
Nabatid na hinihintay nalang sana ang pag-aproba ng
Senado, subalit sumablay nitong nagdaang buwan ng Agosto 2013.
Samantala, sakaling maipasa at maging dalawang
distrito, hahatiin umano ang Aklan sa Western at Eastern District, kung saan
bubuuin ang Eastern District ng Kalibo, New Washington, Banga, Balete, Altavas,
Batan, Libacao at Madalag.
Mapapabilang naman sa Western District ang Ibajay,
Buruanga, Nabas, Tangalan, Makato, Lezo, Malinao, Numancia at bayan ng Malay
kung saan makikita ang Boracay.
No comments:
Post a Comment