Pages

Wednesday, July 09, 2014

Serbisyo sa mga bayan sa Aklan, mas pinabilis ng DTI

Posted July 9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Patuloy ang pagbibigay ng Department of Trade and Industry (DTI) Aklan ng mas mabilis na serbisyo sa mga bayan sa probinsya.

Katunayan, sinimulan ngayong Hulyo ng DTI ang kanilang programa katuwang ang Industry’s Business Assistance Centers (BACs) para sa operasyon sa lahat ng bayan sa probinsya.

Ayon sa DTI, nagkaroon din umano sila ng extension office sa mga munisipyo sa bayan ng Aklan sa pangunguna ng kanilang regular employee katuwang ang ilang staff ng LGU.

Napag-alaman na ang BACS ay gumawad ng MSME o Micro, small and medium enterprises para sa mga serbisyo sa pagkonsulta, magbigay ng impormasyon at tulong sa Pagpaparehistro ng Pangalan ng negosyo.

Layunin umano ng programang ito na mapalapit ang serbisyo ng gobyerno sa tao, layunin at masubaybayan ang presyo ng mga produkto at suplay ng basic commodities at prime commodities.

No comments:

Post a Comment