Posted July 9, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Meron ding pula, yellow green at sky blue.
Ito ang iba’t-ibang kulay ng pocket coats o kapote na
patok sa mga turista sa Boracay ngayong tag-ulan.
Mistula kasing ayaw paawat sa pamamasyal sa long beach ng
Boracay ang karamihan sa turista dito sa kabila ng nararanasang sama ng
panahon.
Kaya naman nakakita ng pagkakataon ang mga beach front vendors
na kumita parin kahit maulan sa pamamagitan ng paglalako ng mga nasabing
kapote.
Maliban sa pocket-size o maliit lang at madaling iligpit
pagkatapos gamitin, iba-iba pa ang kulay at pocket-friendly din ‘ika nga ang
presyo.
Samantala, aminado naman ang mga pocket coat vendors na
iba-iba din ang kanilang presyo, depende sa turista kung marunong tumawad.
Nabatid na may mga turistang nakakabili ng pocket coats
sa kulay na gusto nila sa halagang 50 pesos, 80 pesos at 100 pesos ang isa, mamamasyal
sa long beach at magpapa-‘selfie’sa ulan.
mahal, dito sa amin 30pesos lng,hehehehehe...
ReplyDelete