Posted July 9, 2014
Ni Gloria Villas, YESFM Boracay
Binisita ng sampung Australian journalist ang isla
ng Boracay hindi upang e-cover ang baha kungdi ang e-promote ang isla sa
kanilang bansa.
Ayon kay DOT Boracay Officer in Charge, Tim Ticar,
dumating kahapon ng hapon ang sampung Australian journalist bilang isa sa mga
katuwang ng DOT sa pagpapalago ng turismo sa bansa lalo na’t isa rin umano ang
mga ito sa may mataas na bilang na bumibisita sa Boracay.
Anya, ang nasabing hakbang ng DOT ay nagpapatuloy,
kung saan sinisikap umano ng kanilang ahensya ang makipag-ugnayan sa ibang
bansa nang sa gayon ay mas makilala pa ang Boracay bilang isa sa mga “premiere
beach destination.”
Samantala, nagpapasalamat naman umano si Ticar na
hindi gaanong lumakas ang ulan sa isla dahil sa nagdudulot ito ng mga pagbaha
sa ilang mga lugar dito.
Kasabay nito, nagpasalamat din ito sa mga
sumusuporta sa kanilang programa at muling hinihikayat ang publiko maging ang
mga bakasyunista na sundin ang mga alituntunin na ipinapatupad ng pamahalaan
para sa ikabubuti ng lahat lalo na ng Boracay.
Umaasa naman ang DOT na agad na masosolusyunan ang
isyu ng mga pagbaha sa isla.
No comments:
Post a Comment