Posted July 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pansamantalang ikinustodiya sa Boracay PNP Station
ang isang lalaki matapos na umano’y maghamon ng away sa loob mismo ng isang
grocery store sa Boracay.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, inereklamo
ng dalawang babae na sina Antoniet Gervacio, 32 anyos at Leonor Espinoza, 37
anyos ang lasing na lalaki na nakilala namang si Pedring Acer, 33 anyos ng
Culasi Roxas City Capiz.
Sumbong ng dalawa sa mga pulis, pasado alas nuebe kagabi
nang pumasok umano ang lalaki sa loob ng grocery store at biglang nagsisisigaw
at naghahamon ng away sa mga costumers.
Dagdag pa ng isa sa mga nagrereklamong babae na
ilang gabi din umano ang nakalipas na ganito rin ang ginagawa ng nasabing
lalaki tuwing pumapasok sa nasabing grocery store.
Dahil sa kalasingan at panggugulo ay pansamantala munang
ikinustodiya ang nasabing lalaki sa Boracay PNP Station para sa kaukulang
disposisyon.
No comments:
Post a Comment