Posted July 10, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Darating na mamayang gabi ang pump para sa flood control
project ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.
Nakatakda na rin itong itesting sa susunod na linggo,
base narin sa text message ng ITP Construction na siya namang contractor ng
TIEZA.
Nilinaw naman sa text message na para lamang sa phase 1
ng drainage project ang pumping station kung kaya’t ang mga lugar na apektado
ng pagbaha mula sa D’mall hanggang Boracay Holiday Resort at Boracay Regency
area lamang ang makakabenipisyo nito.
Pasok na kasi sa phase 2 ng proyekto ang ibang lugar.
Samantala, sinabi naman ni Engineer Giovanni Rullan ng
TIEZA na may MOU o Memorandum of Understanding na sila dati ng LGU Malay
tungkol sa phase 2 ng nasabing proyekto, subali’t wala na umano itong ideya
kung ano ang nangyari sa kasunduan.
Samantala, magugunita
namang sinabi ni Boracay Foundation Incorporated President Jony Salme na
naiintindihan nila ang paliwanag ng TIEZA kaugnay sa estado ng flood control
project sa isla ng Boracay bilang tugon sa matagal nang problema sa baha sa
isla.
No comments:
Post a Comment