Posted July 10, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Iinspeksyunin ni Tourism Undersecretary Maria Victoria
Jasmin ang mga batong lumitaw mula sa tinibag na sea wall sa station 1 Boracay.
Bahagi ito ng paghahanda para sa Asia Pacific Economic
Corporation (APEC) Summit sa isla ngayong darating na 2015.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, ito umano
ay gaganapin sa darating na Hulyo 16 kasabay ng pakikipagpulong ni Jasmin kay
Mayor John P. Yap at sa Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) kabilang na si
Tourism Regional Director Helen Catalbas.
Maliban dito isa rin sa inaasahang iinspeksyunin ng Undersecretary
ay ang mga kalsadang binabaha sa Boracay at maging ang daloy ng trapiko.
Nabatid na ang mga batong lumitaw sa beach front station
1 ng Boracay ay mula sa mga tinibag na sea wall na apektado ng 25 + 5 easement
ng BRTF na nagsilitawan dala ng malakas na alon dahil sa nararanasang Habagat
Season.
No comments:
Post a Comment