YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 09, 2014

Kaso ng dengue sa Aklan, tumaas ng 66.8 % - PHO

Posted July 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Tumaas ang kaso ng dengue sa Aklan.

Batay sa pinakahuling monitoring ng Provincial Health Office (PHO), umakyat ito sa 66.8% o 347 na kaso ng dengue sa buong probinsya.

Ayon kay Disease Surveillance Officer, Gino Val Taytayon ng PHO.

Sa kanilang pinakahuling monitoring nitong buwan ng Hunyo, nangunguna sa mga lugar na may pinaka-maraming kaso ang bayan ng Kalibo na may 73% at pinakamaliit na naitala naman sa bayan ng Lezo na may tatlong porsiyento.

Samantala, naitala naman ang 37 kaso ng dengue sa bayan ng Malay.

Kaugnay nito, muling pinayuhan ng kagawaran ang mga public at private hospital na magkaroon o magbukas ng Dengue Express Lane.

Sa pamamagitan umano nito, agad mabibigyan ng atensyong medikal ang mga may sakit na dengue.

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng dengue virus, payo ng PHO, pa-igtingin ang “Search and Destroy” program o paghahanap ng mga pugad ng lamok at ito’y wasakin.

No comments:

Post a Comment