Posted July 11, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Makikipagpulong ang Department of Environment and
Natural Resources (DENR) sa lokal na
pamahalaan at TIEZA hinggil sa nararanasang pagbaha sa isla ng Boracay.
Ayon kay Community Environment and Natural
Resources Office (CENRO) Boracay Officer In Charge Jonne Adaniel.
Inaalam pa nya ngayon ang resulta sa isinagawang
inspeksyon ng DENR sa mga binahang lugar dito.
Kaya naman tikom muna ang bibig ni Adaniel sa kung
ano ang magiging epekto ng tubig-baha na umano’y inilabas ng ilang
establisemyento sa dagat.
Kaugnay naman ito sa pangamba at paniniwala ng
publiko na hindi lang tubig-ulan, kungdi marumi at may amoy na tubig ang napasama
sa inilabas sa dagat ng establisemyentong binaha.
Sinabi pa ni Adaniel na dapat kailangan munang kumpirmahin
ang ganitong isyu para mabigyan ng kaukulang aksyon.
Nabatid na maraming establisemyento sa isla ang
naapektuhan ng pagbaha nitong mga nakaraaang araw nang manalasa ang bagyong
Florita.
No comments:
Post a Comment