Pages

Thursday, July 10, 2014

Pump para sa flood control project ng TIEZA, darating na mamayang gabi

Posted July 10, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Darating na mamayang gabi ang pump para sa flood control project ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.

Nakatakda na rin itong itesting sa susunod na linggo, base narin sa text message ng ITP Construction na siya namang contractor ng TIEZA.

Nilinaw naman sa text message na para lamang sa phase 1 ng drainage project ang pumping station kung kaya’t ang mga lugar na apektado ng pagbaha mula sa D’mall hanggang Boracay Holiday Resort at Boracay Regency area lamang ang makakabenipisyo nito.

Pasok na kasi sa phase 2 ng proyekto ang ibang lugar.

Samantala, sinabi naman ni Engineer Giovanni Rullan ng TIEZA na may MOU o Memorandum of Understanding na sila dati ng LGU Malay tungkol sa phase 2 ng nasabing proyekto, subali’t wala na umano itong ideya kung ano ang nangyari sa kasunduan.

Samantala,  magugunita namang sinabi ni Boracay Foundation Incorporated President Jony Salme na naiintindihan nila ang paliwanag ng TIEZA kaugnay sa estado ng flood control project sa isla ng Boracay bilang tugon sa matagal nang problema sa baha sa isla.

No comments:

Post a Comment