Posted
July 9, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Humingi na ng technical assistance sa TIEZA kaugnay sa nararanasang
pagbaha sa Boracay ang LGU Malay.
Ayon kay TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority
Engineer Giovanni Rullan, nag-usap na sila kahapon ni mismong Mayor John Yap at
ng Boracay Redevelopment Task Force kung saan kinumpirma din nito na on the way
ang pump para sa pumping station o flood control project ng TIEZA.
Ayon kay Rullan, maaaring makarating na sa Boracay ang nasabing pump sa
Sabadong ito o sa Linggo at maaari nang i-testing sa susunod na linggo.
Samantala, base naman umano sa kanyang personal na paniniwala, sinabi
pa ni Rullan na talagang malakas ang ulan nitong mga nakaraang araw kung kaya’t
bumaha sa mga pangunahing kalsada ng Boracay.
Magkaganon paman, sinabi din
nito na hindi sana ganon kagrabe ang baha kung hindi isinara ang ilang
emergency out flow o labasan ng tubig katulad ng sa Lugutan, Manoc-manoc at sa station
2 beach front.
Naghihintay narin umano sila ngayon kung ano ang magiging instruction
sa kanila ng TIEZA sa kung ano ang technical assistance nilang maibibigay sa
LGU Malay.
No comments:
Post a Comment