Posted July 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Batay sa pinakahuling monitoring ng Provincial
Health Office (PHO), umakyat ito sa 66.8% o 347 na kaso ng dengue sa buong
probinsya.
Ayon kay Disease Surveillance Officer, Gino Val
Taytayon ng PHO.
Sa kanilang pinakahuling monitoring nitong buwan ng
Hunyo, nangunguna sa mga lugar na may pinaka-maraming kaso ang bayan ng Kalibo
na may 73% at pinakamaliit na naitala naman sa bayan ng Lezo na may tatlong
porsiyento.
Samantala, naitala naman ang 37 kaso ng dengue sa
bayan ng Malay.
Kaugnay nito, muling pinayuhan ng kagawaran ang mga
public at private hospital na magkaroon o magbukas ng Dengue Express Lane.
Sa pamamagitan umano nito, agad mabibigyan ng
atensyong medikal ang mga may sakit na dengue.
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng dengue virus, payo
ng PHO, pa-igtingin ang “Search and Destroy” program o paghahanap ng mga pugad
ng lamok at ito’y wasakin.
No comments:
Post a Comment