Pages

Tuesday, July 08, 2014

Drainage project ng TIEZA, hindi pa nai-turn over sa LGU Malay

Posted July 8, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Huwag namang isipin na walang ginagawa ang local government ng Malay.

Ito ang sinabi ni BRTF o Boracay Redevelopment Task Force Secretary Mabel Bacani kaugnay sa nararanasang pagbaha sa isla ng Boracay ngayon.

Kasabay din ito ng paalala ng BRTF sa mga establisemyentong nagpapalabas ng tubig-baha sa dagat.

Nagkanya-kanya kasi ang mga nasabing establisemyento na i-pump ang baha mula sa kanilang lugar dahil sa barado naman ang drainage ng TIEZA o Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority sa Boracay.

Kaugnay nito, sinabi ni Bacani na hindi nila maaaring galawin ang drainage project dahil hindi pa ito nai-turn over sa kanila ng TIEZA.

Magkaganon paman, aminado ang BRTF na hindi nila masisisi ang mga establisemyentong kusang gumawa ng paraan upang mailabas ang baha sa kanilang lugar.
              
Patuloy namang nag-iikot ang mga taga Boracay Solid Waste Action Team at BRTF at patuloy na tumatanggap ng mga reklamo kaugnay sa nararanasang pagbaha sa isla.

No comments:

Post a Comment