Posted
August 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inamin ngayon ni MSWDO Officer Magdalena Prado na kulang
sila ng social worker para lalong mapangalagaan ang bayan ng Malay lalo na ang isla
ng Boracay.
Sa panayam ng himpilang ito kay Prado, sinabi nito na
nasa 22 lang ang kanilang kawani kung saan walo rito ang regular at apat ang
license worker.
Ayon dito kung puwedi lang umano na mayroong social
worker sa bawat Brgy. ay mas mainam para matutukan ang pangyayari sa bawat lugar.
Sa kabila nito napag-usapan na rin umano nila ng Alkalde
ng Malay na kung walang license na social worker na Malaynon ay maaari silang
kumuha sa ibang lugar.
Maliban dito may ginawa umano sila ngayong estratehiya
kung saan bumuo sila ng monitoring team na tutulong sa social worker na
sumailalim na rin sa training upang maging handa sa paghawak ng kaso na sakop
ng MSWDO.
Ang mga ito umano ay tutulong sa mga social worker para
e-monitor ang mga pangyayari sa paligid.
Nabatid na ilan sa mga special cases na hinahawakan ng
MSWDO sa Boracay ay ang children in conflict of the law at Violence against
women’s and their children.
No comments:
Post a Comment