Posted August 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isa ngayon sa
inaasahang bisita sa gaganaping Induction ng Aklan Press Club Incorporated
(APCI) ay si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
Pangungunahan ni
Panelo ang panunumpa ng mga bagong opisyales ng Aklan Press Club Incorporated
(APCI) para sa taong 2016-2018 kung saan si Odon Bandiola ang nahalal na bagong
presidente.
Dadaluhan din ang
pagtitipon ng mga kilalang media personalities sa probinsya at mga bisita mula
sa ibat-ibang sektor.
Nakatakdang gawin
ang Oath Taking bukas Agosto 27 taong kasalukuyan sa Governor L. Cabagnot Memorial
Tourism and Training Center sa bayan ng Kalibo.
Ang Aklan Press
Club, ay itinatag noong 1958, pagkatapos ng separasyon ng Aklan sa Capiz kung
saan ito ay kaanib ng Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines at
ng Publishers Association of the Philippines Inc.
No comments:
Post a Comment