Posted August 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sugatan ang isang
karpentiro at pintor na isinugod sa pagamutan matapos umano itong pinag-sasaksak
sa loob ng isang bar sa Brgy. Balabag, Boracay.
Sa report ng
Boracay PNP, kinilala ang dalawang biktima na sina Raymundo Pedere, 28-anyos,
isang karpentiro at Rene Salvador, isang pintor.
Salaysay ng mga
biktima sa mga pulis, sumasayaw umano sila sa loob ng bar ng aksidenteng
bumangga ang mga ito sa mga hindi nakilalang suspek na ikinagalit naman ng mga
ito.
Subalit hindi
naman inintindi ng mga biktima ang insidente at nagpatuloy sa pagsasayaw ngunit
agad na bumunot ng kutsilyo ang isa sa mga suspek at sinaksak ng apat na beses
si Salvador sa kanyang katawan habang ang kasama naman nito na si Pedere ay
nagtamo din ng dalawang saksak.
Mabilis namang
inawat ang mga ito ng mga tao sa lugar at dinala sa labas ng bar nguni’t hindi
pa nakuntento ang mga suspek at pinagtulungan pang bugbugin ang dalawa sabay
takas papalayo.
Agad namang
dinala sa pagamutan ang dalawang biktima kung saan masuwerte naman ang mga ito
at hindi malubha ang mga tinamong sugat sa katawan habang ang mga suspek ay
patuloy paring pinaghahanap ng mga pulis.
No comments:
Post a Comment