Posted
August 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Tinatayang nasa 50k umano ang halaga ng pinsala sa
nangyaring sunog sa BBC restaurant sa Station 1 Brgy. Balabag, Boracay,
kagabi.
Ayon kay FO3 Franklin Arubang ng BFP Boracay, naganap ang
sunog bandang alas- 6:50 ng gabi kung saan agad naman nila itong ni-respondihan
kasama ang BFRAV - Boracay Fire Rescue, Ambulance and Volunteer at Kabalikat
Civicom 961.
Nabatid na sa kwarto mismo ng may-ari nagsimula ang sunog
kung saan din ang restaurant na naapula bandang alas-7:30 ng gabi.
Samantala, wala namang nasaktan sa nangyring insidente
kung saan masuwerti naman at hindi natupok ang buong kwarto at ang kainan
ngunit ilang mahahalagang bagay sa loob ng kwarto ang sinasabing tinupok ng
apoy.
Sa ngayon patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau
of Fire - Boracay Sub-Station hinggil sa pinagmulan ng sunog.
No comments:
Post a Comment