Posted August 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ayon kay FO3
Franklin Arubang ng BFP Boracay, bandang alas 5:30 kaninang umaga nang
makatanggap sila ng tawag mula sa isang hotel na nadamay sa naganap na sunog.
Agad naman nila
itong ni-respondihan at naapula ang sunog pasado alas- sais ng umaga.
Nabatid na gawa
sa light materials ang naturang Spa kung kaya’t mabilis itong natupok ng apoy.
Partially damage
rin sa nangyaring sunog ang tatlong kwartong stockroom ng isang Hotel sa likod
mismo ng nasunog na Spa.
Sa inisyal naman
na imbestigasyon ng BFP, mahigit kumulang isang milyon ang danyos sa Spa at sa
katabing Hotel nito.
Samantala, wala
namang nasaktan sa nangyaring insidente kung saan ini-embistigahan pa ngayon ng Boracay BFP ang sanhi ng nasabing
sunog.
No comments:
Post a Comment