Posted August 25, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Pinuna ni Malay SB Member Nenette Aguirre-Graf ang mga talyer at mga Junk Shop sa gilid ng kalsada o Mainroad
at Highway na dinadaanan ng mga turista papunta ng isla ng Boracay.
Sa 8th Regular Session ng SB Malay, ipinunto ni SB Graf
ang tungkol sa kanyang obserbasyon sa nasabing usapin kasama na ang mga damit
na nakasampay sa gilid ng kalsada kung saan hindi umano ito maganda sa paningin
ng mga turistang bumibisita sa isla.
Aniya, tinagurian pa namang number 1 tourist destination
ang isla ng Boracay tapos ito lang ang makikita nila.
Nabatid na nais lang naman ni Graf na i-atras o
i-regulate ang ganitong uri ng istrakturang-pangkabuhayan na makikita sa gilid
ng kalsada para hindi maging agaw pansin sa mga turistang dumadaan.
Samantala, bilang Committee Chairman on Environment,
balak ngayon ni Graf na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa nasabing usapin para
malaman kung ito ba ay nasa Ordinansa nang sa gayon ito ay mabigyan ng
kaukulang aksyon.
No comments:
Post a Comment