YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 24, 2016

Pagkakasangkot ng pangalan ni SB Pagsuguiron sa iligal na droga, pinabulaanan

Posted August 24, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Pinabulaan ni Malay Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron ang umano’y pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa iligal na droga.

Kahapon idinaan ni Pagsuguiron sa Privilege Speech ang kanyang saloobin at pagkadisamaya matapos malaman na isa umanong Anchorman ng isang istasyon sa radyo sa isla ang pumangalan sa kanya na siya umano ay kabilang sa mga sangkot sa iligal na droga.

Salaysay naman Pagsuguiron, nakatanggap umano siya ng tawag mula sa kanyang kaibigan noong nakaraang sesyon na inunsyo nga ng Anchorman na isa siya sa mga sangkot sa droga kung saan agad naman nitong pinuntahan ang Malay PNP para tanungin ang hinggil sa narinig na balita kung saan lumalabas sa kanyang imbestigasyon na wala doon ang kanyang pangalan.

Dahil dito, ay kinumpronta naman nito ang Anchorman at tinanong kung saan niya nakuha ang ganoong impormasyon kung saan sinagot naman siya nito na meron umanong nagbigay sa kanya ng dokumento at sinabihan ito na i-anunsyo ang kanilang pangalan.

Nabatid na kinaumagahan ay mabilis ding inanunsyo ng Anchorman sa kanyang programa na mali umano ang kanyang hawak na dokumento o listahan ng mga sangkot sa iligal na droga na umabot sa 69 na personalidad.

Samantala, ginawa naman ni Pagsuguiron ang hakbang na ito sa pamamgitan ng Session upang ipa-abot sa mga ito na walang katotohanan ang balita at hindi kailanman siya sumubok gumamit, naging distributor at protektor ng droga.
  
Kasabay nito, nakatakdang ipatawag sa SB Session ng Malay ang naturang Anchorman upang ipaliwanag ang katotohan kung sino ang nagbigay sakanya ng dukomento at kung ano ang motibo nito.

No comments:

Post a Comment