Posted August 26, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Panibago na namang sinasabing Commissioner ang inireklamo
ng isang turista sa kanilang kinuhang water sports activity sa Bolabog,
Boracay.
Kinilala ang biktimang si Angela Cassandra Casal,
19-anyos at temporaryong nanunuluyan sa isang hotel sa Brgy. Manoc-manoc.
Sa report ng biktima sa Boracay PNP, kasama niya umano
ang kanyang live-in partner ng magpa-booked ito ng water sports activity sa
sinasabing Commissioner na si certain Greg kung saan dinala sila sa isang sea
sport shop at doon ay kumuha sila ng helmet diving at parasailing activity na
nagkakahalaga ng P1,300 bawat tao.
Nabatid na nagbigay ang biktima ng P3, 000 sa cashier na
si Sharon kung saan agad naman itong dumiretso sa kanilang water activities.
Samantala, ng matapos na ang kanilang helmet activity ay
binalikan nito ang nasabing cashier para kunin sana ang sukli nito pero ayon sa
cashier ay kinuha na ito ni certain Greg.
Agad namang kinontak ng biktima ang nasabing commsioner
ngunit hindi na ito nagpakita kung kayat minabuti na lamang ng may-ari ng water
sports activity na ilibre sila ng parasailing activity.
No comments:
Post a Comment