Pages

Monday, August 22, 2016

MSWDO inamin na kulang sila sa social worker

Posted August 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Image result for social worker
Inamin ngayon ni MSWDO Officer Magdalena Prado na kulang sila ng social worker para lalong mapangalagaan ang bayan ng Malay lalo na ang isla ng Boracay.


Sa panayam ng himpilang ito kay Prado, sinabi nito na nasa 22 lang ang kanilang kawani kung saan walo rito ang regular at apat ang license worker.

Ayon dito kung puwedi lang umano na mayroong social worker sa bawat Brgy. ay mas mainam para matutukan ang pangyayari sa bawat lugar.  

Sa kabila nito napag-usapan na rin umano nila ng Alkalde ng Malay na kung walang license na social worker na Malaynon ay maaari silang kumuha sa ibang lugar.

Maliban dito may ginawa umano sila ngayong estratehiya kung saan bumuo sila ng monitoring team na tutulong sa social worker na sumailalim na rin sa training upang maging handa sa paghawak ng kaso na sakop ng MSWDO.

Ang mga ito umano ay tutulong sa mga social worker para e-monitor ang mga pangyayari sa paligid.

Nabatid na ilan sa mga special cases na hinahawakan ng MSWDO sa Boracay ay ang children in conflict of the law at Violence against women’s and their children.

No comments:

Post a Comment