Posted August 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ilan lamang ito sa mga tumambad sa mga kapulisan sa
isinagawang drug-raid sa isang Villa sa Zone 5 Bolabog, Boracay Island, Malay,
Aklan kahapon ng umaga.
Ayon sa report ng Boracay PNP, ito umano ay
pinaniniwalaang ginagamit sa Cyber Crime Operation ng grupo kung saan ang mga
gamit na nakumpiska sa raid ay ipapasuri sa Cyber Crime Division ng Campo Crame
na ni-request ng raiding team.
Ayon naman kay BTAC Chief of Police Senior Inspector Jess
Baylon, wala umanong indikasyon na merong kasalukuyang drug laboratory sa lugar
kung saan dito lang umano ang bagsakan nito at ang kanilang layun ay e-dispose
ang mga nakuhang suspected drugs sa isla.
Pinaniniwalaan din nito na hawak ito ng malaking
sindikato, kung saan naaresto ang 25 Taiwanese at Chinese national na
labas-masok sa isla.
Nabatid na ang mga suspek ay may edad 23-anyos hanggang
39 anyos kung saan 18 sa mga ito ang kalalakihan at pito naman ang mga
kababaehan.
Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa
Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Samantala, ilan sa mga nakita ng mga pulis sa nasabing
drug-raid kahapon sa Villa ang colored tablets, suspected crystallized items,
ecstasy, cocaine mga syringes at injectible liquids kung saan ang ibang suspected
ecstasy na may ibat-ibang kulay at hugis ay nakabalot na at handa ng ibahagi
bilang konsumo.
Tumambad din sa mga kapulisan ang tila improvised booth na
may mga telepono at listahan ng mga tatawagan na ginagamit ng mga suspek para sa
mga bibiktimahin at lolokohin.
Sa ngayon, inaantay pa ang validation ng mga Cyber Crime
experts para matukoy ang gawain ng sindikato dito sa isla.
No comments:
Post a Comment