YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 24, 2016

Pagbuo ng task force para sa mabawasan ang kaso ng dengue sa Aklan isinusulong

Posted August 24, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for dengue task forceIsinusulong ngayon sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang pagbuo ng task force para alisin o mabawasan manlang ang kaso ng dengue sa probinsya.

Sa panayam ng himpilang ito kay Dr. Cornelio Cuachon Jr., Provincial Health Officer, nagsumite umano sila sa Committee on Health ng SP ng draft resolution na itinutulak ang pagbuo ng nasabing task force.

Naisalang na rin umano ito sa Committee hearing habang nakatakda namang isailalim sa Public Hearing na inaasahang isasagawa sa Setyembre kung saan magpapatawag umano ang SP ng mga stakeholders para kunin ang kanilang reaksyon ukol dito.

Nabatid kasi na lalong tumataas ang kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan kumpara noong mga nakalipas na taon dahilan para mabahala umano ang PHO rito.

Samantala saklaw umano ng task force ang barangay officials at representate mula sa PHO at ang Department of Education (DepEd).  

Ang Provincial Health Office (PHO) ay kasalukuyang nagsusubaybay sa clustering ng mga kaso ng dengue o sa pag-detect ng tatlo o higit pang mga kaso sa apat na magkakasunod na linggo.

No comments:

Post a Comment