Posted August 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ngayon ang kinaaadikang laro sa smartphone game sa
ibat-ibang panig ng mundo.
Dahil dito mahigpit ngayong nagbabala ang Commission on
Elections (Comelec) Aklan na bawal ang pagalalaro nito sa mga polling precincts
sa gaganaping barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktober 31.
Nilinaw ng Comelec na magiging mano-mano lamang kasi ang
gaganaping eleksyon sa Oktobre at baka maging dahilan ito ng ibat-ibang
problema.
Nabatid kasi na walang lugar na pinipili ang paglalaro ng
‘Pokemon Go’ ngunit ipinagbabawal na rin ito sa ibat-ibang establisyemento
kabilang na ang simbahan.
Kaugnay nito, naghahanda na ngayon ang Comelec para sa
pag-file ng Certificate of candidacy (COCs) sa Oktobre 3-15, 2016 habang ang
Campaign period ay magsisimula sa Oktobre 21 hanggang 29.
No comments:
Post a Comment