YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 16, 2015

Unang araw ng Misa De Gallo sa Boracay dinagsa ng maraming tao

Posted December 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo credit to Runforlife Runforlife 
Dinagsa ng maraming tao ang unang araw ng Misa De Gallo o Simbang gabi sa Holy Rosary Parish Church sa isla ng Boracay.

Impunto alas-4 ng magsimula ang misa sa pangunguna ni Parish Priest Fr. Jose Tudd Belandres, kung saan ito ang kanyang kauna-unahang simbang gabi sa Boracay matapos itong italaga bilang bagong pari sa isla nitong nakaraang linggo.

Kaugnay nito umabot hanggang sa labas at sa plaza ang mga tao kung saan hindi rin ininda ng mga ito ang maya’t mayang pag-buhos ng ulan.

Sa lekturhiya naman ni Father Belandres ibinahagi naman nito ang kanyang naging karanasan sa Caticlan Jetty Port kung saan naranasan din umano niya ang naranasan ng ibang tao na hinahanapan ng ID.

Samantala, hindi naman nagpahuli ang paboritong pagkain tuwing simbang gabi kung saan mayroong mga ibinibintang kakanin lalo na ang sikat na puto bungbong.

Ang Misa De Gallo ay taunang ginagawa bilang paggunita sa kapanganakan ni Jesus Cristo na nagsisimula tuwing ika-16 ng Desyembre hanggang sa Desyembre 24.

No comments:

Post a Comment