Posted December 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Walang nagawa ang mga pasahero sa Cagban at Caticlan
Jetty Port matapos kansilahin ng Philippine Coastguard (PCG) Caticlan ang biyahe
ng mga bangka dahil kay Nona.
Kagabi pa lang ay hindi na pinayagan ng PCG na maglayag
ang mga bangka na may biyaheng Caticlan at Cagban vice versa matapos mapabilang
ang lalawigan ng Aklan sa signal number 1 dahil sa bagyong Nona.
Nitong umaga ay daan-daang pasahero ang na stranded sa
dalawang pantalan kung saan karamihan sa mga ito ay mga manggagawa sa Boracay.
Nabatid na mahigpit na ipinapatupad ng PCG ang hindi
paglalayag ng mga bangka kung may nakataas na storm signal sa Aklan.
Samantala, sakaling bumuti ang lagay ng panahon ay agad
naman umanong ibabalik ng Coastguard ang biyahe ng mga bangka pati na ang mga
island hopping activities sa Boracay.
No comments:
Post a Comment