Posted December 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasilayan na
kahapon sa karagatang sakop ng isla ng Boracay ang kontrobersyal na Yellow
Submarine mula sa Cebu City para makapag-operate.
Ngunit ayon kay BRTF
o Boracay Redevelopment Task Force Secretary Mabel Bacani, naisumite na umano
sa kanila ng Sangguniang Bayan ng Malay ang resolusyon tungkol dito ngunit
hindi pa umano nila ito na aprobahan.
Sinabi pa nito, na
hindi pa sila maaaring makapag-release ng endorsement o permit para sa
Submarino dahil sa hindi pa sapat ang mga dokumento nito.
Dahil dito, bawal
pa itong mag-operate sa Boracay kung saan kailangan pa umano nilang magbigay ng
go signal lalo na at hindi pa nila ito nabigyan ng permit na makapag-operate.
Nabatid na umani
ng reaksyon sa social media ang naturang submarine ng ito ay nag-ooperate pa sa
Cebu City dahil sa nasisira umano nito ang mga coral reefs.
Samantala tiniyak
naman ni Committee on Tourism Jupiter Gallenero na hindi naman umano ito
makaka-apekto sa mga korales sa karagatan ng Boracay kung saan tatakbo lamang
ito ng mabagal at aatras pabalik sa isang area kung saan lulutang din umano ito
sakaling may korales na madadaanan.
No comments:
Post a Comment