Posted December
14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hanggang ala-6 nalang ngayong gabi ang operasyon ng mga
bangka sa Boracay dahil sa nakataas parin ang storm signal number 1 sa
probinsya ng Aklan dahil sa bagyong Nona.
Sa live interview kay Lt. Edizon Diaz Commander in Chief
ng Philippine Coastguard Caticlan, sinabi nito na sunrise to sunset lang ngayon
ang operasyon ng mga bangka hanggat may signal pa ang Aklan.
Dahil dito inabisuhan na rin umano nila ang Kalibo
International Airport dahil sa posibleng ma-stranded ang mga pasaherong may
biyahe ng gabi papunta sa isla ng Boracay.
Ayon pa kay Diaz, hinahabol umano nila na mapasakay ang
lahat ng mga pasaherong tatawid mula sa Cagban at Caticlan Jetty Port bago
sumapit ang ala-6.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Diaz ang lahat ng mga
pasahero na iwasan muna ang pagpunta sa pantalan mamayang gabi dahil sa wala
namang biyahe ang mga bangka.
Maliban dito kansilado rin ang biyahe ng roro vessel at
lahat ng uri ng sasakyan pandagat dahil sa posibleng paghagupit ni Nona
mamayang gabi.
Sa ngayon tinutumbok ng typhoon Nona ang bahagi ng
Lavezares, Northern Samar at iba pang probinsya sa Eastern at Western Visayas.
No comments:
Post a Comment