Posted December 19, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ini-reklamo ng
isang delear ng beauty products ang isang babaeng nagtra-trabaho sa isang salon
matapos hindi ito mabayaran ang utang at bantaan ang kanyang buhay sa Station
2, Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan.
Reklamo ng
biktimang si Beverly Venus 63- anyos sa Boracay PNP, pumunta umano siya sa
salon na pinag-tatrabahuhan ng ini-rereklamo at sinisingil nito ang suspek sa kanyang
utang na nag-kakahalaga ng P3,442 sa kanyang mga kinuhang beauty products at
cellphone.
Maliban dito, nagalit
umano ang suspek at binantaan ang biktima na susunugin nito ang kanyang tindahan
na nagresulta naman ng takot sa biktima dahilan para ireklamo niya ito sa Boracay
PNP.
Samantala, ang kaso
ay ini-refer na sa Brgy Justice System ng Balabag.
No comments:
Post a Comment