Posted December 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo
credit to Runforlife Runforlife
|
Impunto alas-4 ng magsimula ang misa sa pangunguna ni Parish
Priest Fr. Jose Tudd Belandres, kung saan ito ang kanyang kauna-unahang simbang
gabi sa Boracay matapos itong italaga bilang bagong pari sa isla nitong
nakaraang linggo.
Kaugnay nito umabot hanggang sa labas at sa plaza ang mga
tao kung saan hindi rin ininda ng mga ito ang maya’t mayang pag-buhos ng ulan.
Sa lekturhiya naman ni Father Belandres ibinahagi naman
nito ang kanyang naging karanasan sa Caticlan Jetty Port kung saan naranasan
din umano niya ang naranasan ng ibang tao na hinahanapan ng ID.
Samantala, hindi naman nagpahuli ang paboritong pagkain
tuwing simbang gabi kung saan mayroong mga ibinibintang kakanin lalo na ang
sikat na puto bungbong.
Ang Misa De Gallo ay taunang ginagawa bilang paggunita sa
kapanganakan ni Jesus Cristo na nagsisimula tuwing ika-16 ng Desyembre hanggang
sa Desyembre 24.
No comments:
Post a Comment