Posted December 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa kabuuang bilang na ngayon na 1,424,198 ang naitalang
tourist arrival sa Boracay simula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.
Base sa report ng Aklan Provincial Tourism Office kailangan
nalang nila ng 75,802 para maabot ang 1.5 million target na t99ourist arrival.
Napag-alaman naman na umabot sa 698,282 ang naitalang Foreign
tourists sa loob ng 11-buwan habang ang domestic tourists ay umabot sa 688,362
at ang OFW ay 37,554.
Kaugnay nito ang buwan parin ng Abril ang nangunguna sa
pinakamataas na tourist arrival ngayong taon kung saan nakapagtala ito ng
178,595 na sinundan ng buwan ng Mayo na may 168,025.
Nabatid na ang mga buwang ito ang mayroong madaming
aktibidad sa Boracay katulad ng Holy Week vacation, long Labor Day weekend, at
ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meetings.
Samantala, nangunguna parin sa listahan ang Koreans
tourist sinundan naman ng Chinese, Taiwanese, Malaysians at Australians
tourist.
No comments:
Post a Comment