Posted December
15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pansamantala munang inilipat ngayon ng Philippine Coastguard
(PCG) Caticlan ang operasyon ng mga bangka sa Tabon at Tambisaan Port.
Ito ang sinabi ni Lt. Edison Diaz Commander in Chief ng
Philippine Coastguard Caticlan matapos nilang magkaroon ng assessment kasama
ang CBTMPC at Jetty Port Administration.
Ayon kay Diaz, malakas parin umano kasi ang alon sa Cagban
at Caticlan Jetty Port kung saan hindi
umano kaya ng mga bangka na maglayag doon.
Dahil dito nag-desisyon umano sila na ilipat muna ang
biyahe sa nasabing pantalan dahil sa hindi naman gaano kalakas ang alon doon
kahit na nararanasan ang Amihan.
Maliban dito paisa-isa muna ang biyahe ng mga bangka hanggang
sa hindi pa tuluyang nagiging maayos ang panahon dala ng bagyong Nona.
Samantala, inuna namang makasakay ang mga kagabi pa na-stranded
na pasahero kung saan umabot ito ng mahigit sa dalawang daang pasahero na karamihan
ay mga turista hanggang kaninang umaga.
Sa ngayon mahigpit parin ang monitoring na isinasagawa ng
PCG sa operasyon ng mga bangka sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment