YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 16, 2015

Biyahe ng mga bangka sa Boracay pansamantalang ginawang Tambisaan at Caticlan

Posted December 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pansamantala ngayong ginawang Tambisaan at Caticlan Jetty Port vice versa ang biyahe ng mga bangka papunta at palabas ng Boracay.

Ito ang pahayag ni Lt. Edison Diaz Commander In-Chief ng Philippine Coastguard (PCG) Caticlan nitong umaga sa panayam ng himpilang ito.

Ayon kay Diaz, kaninang alas-5 ng umaga ay ibinalik na sa normal ang biyahe ng mga bangka sa Cagban at Caticlan Jetty Port mula sa Tabon at Tambisaan Port kagabi.

Ngunit bago mag-tanghali kanina ay nag-desisyon umano ang Caticlan Boracay Transportation Multi Purpose Cooperative (CBTMP), na ilipat muli sa Tambisaan papuntang Caticlan Jetty Port ang biyahe dahil sa hindi umano kaya ng mga boatman ang lakas ng alon sa Cagban area.

Nabatid na tinanggal na kahapon ang storm signal number 1 sa Aklan dahil kay bagyong Nona na ngayon ay nararanasan pa sa ibang lugar sa bansa at inaasahang hihina at magiging low pressure area na lamang sa West Philippine Sea sa Biyernes.

Samantala, isa namang panibagong bagyo ang inaasahang papasok ngayong linggo kung saan pinaghahandaan na rin umano ito ng Coastguard Caticlan ayon kay Diaz.

No comments:

Post a Comment