Posted December 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kanya-kanyang hanap ng ma-pwepwistuhan ang mga
na-stranded na pasahero sa Cagban at Caticlan Jetty Port kagabi dahil sa
pagkansila ng biyahe ng mga bangka dahil kay bagyong Nona.
Impunto ala-6 kagabi ng ipatigil ng Philippine Coastguard
Caticlan ang biyahe ng lahat ng sasakyan pandagat sa nasasakupan ng bayan ng
Malay dahil sa posibleng paghagupit ng bagyo.
Image by Mark Cabrera |
Nabatid na karamihan sa mga pasahero ay mga turista na
magbabakasyon sa Boracay ngunit hindi na nakatawid dahil sa pagbabawal na
maglayag.
Dahil dito kanya-kanyang latag ng mahihigaan ang mga
pasahero sa dalawang pantalan kung saan puno ng tao ang main-entrance ng
Caticlan Jetty Port.
Sa kabila nito hindi naman naiwasang mainis ng ibang
pasahero dahil sa pagkakaantala ng kanilang biyahe kung saan sinasabi ng mga
ito na bakit itinigil ang biyahe sa kabila ng pagiging kalmado ng karagatan.
Samantala, base sa forecast ng PAG-ASA kanilang alas-4 ng
madaling araw, wala ng nakataas na storm signal sa probinsya ng Aklan.
No comments:
Post a Comment