YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 15, 2015

Dalawang bangka sa Boracay nag “half-submerge” dahil sa lakas ng alon

Posted December 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Boracay Action Group
Dalawang bangka ang bahagyang lumubog sa front beach station 1 Boracay kaninang umaga.

Ito’y matapos hampasin ng malakas na alon bunsod ng umiiral ng sama ng panahon dala ng bagyong Nona.

Ayon sa Boracay Action Group (BAG) wala namang sakay na pasahero ang mga naturang bangka kung saan sinasabing ito ay ginagamit para lamang sa island hopping activity.

Nabatid na hinayaan na lang muna ng mga operator ang dalawang bangka hanggang sa bumuti ang lagay ng panahon.

Kaugnay nito, hindi naman pinayagan ng Philippine Coastguard-Caticlan na mag-operate ang lahat ng water sports activities sa Boracay dahil sa lakas ng alon.

Samantala, naging pagkakataon naman para sa mga Kite boarders sa Boracay ang malakas na alon at hangin sa front beach.

No comments:

Post a Comment