Pages

Tuesday, December 15, 2015

Mahigit isang daang pasahero sa Cagban at Caticlan Jetty Port stranded dahil sa bagyo

Posted December 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kanya-kanyang hanap ng ma-pwepwistuhan ang mga na-stranded na pasahero sa Cagban at Caticlan Jetty Port kagabi dahil sa pagkansila ng biyahe ng mga bangka dahil kay bagyong Nona.

Impunto ala-6 kagabi ng ipatigil ng Philippine Coastguard Caticlan ang biyahe ng lahat ng sasakyan pandagat sa nasasakupan ng bayan ng Malay dahil sa posibleng paghagupit ng bagyo.
Image by Mark Cabrera

Nabatid na karamihan sa mga pasahero ay mga turista na magbabakasyon sa Boracay ngunit hindi na nakatawid dahil sa pagbabawal na maglayag.

Dahil dito kanya-kanyang latag ng mahihigaan ang mga pasahero sa dalawang pantalan kung saan puno ng tao ang main-entrance ng Caticlan Jetty Port.

Sa kabila nito hindi naman naiwasang mainis ng ibang pasahero dahil sa pagkakaantala ng kanilang biyahe kung saan sinasabi ng mga ito na bakit itinigil ang biyahe sa kabila ng pagiging kalmado ng karagatan.

Samantala, base sa forecast ng PAG-ASA kanilang alas-4 ng madaling araw, wala ng nakataas na storm signal sa probinsya ng Aklan.

No comments:

Post a Comment