Pages

Thursday, December 17, 2015

Kontrobersyal na Yellow Submarine nasilayan na sa Boracay

Posted December 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Image result for yellow submarine boracayNasilayan na kahapon sa karagatang sakop ng isla ng Boracay ang kontrobersyal na Yellow Submarine mula sa Cebu City para makapag-operate.

Ngunit ayon kay BRTF o Boracay Redevelopment Task Force Secretary Mabel Bacani, naisumite na umano sa kanila ng Sangguniang Bayan ng Malay ang resolusyon tungkol dito ngunit hindi pa umano nila ito na aprobahan.

Sinabi pa nito, na hindi pa sila maaaring makapag-release ng endorsement o permit para sa Submarino dahil sa hindi pa sapat ang mga dokumento nito.

Dahil dito, bawal pa itong mag-operate sa Boracay kung saan kailangan pa umano nilang magbigay ng go signal lalo na at hindi pa nila ito nabigyan ng permit na makapag-operate.

Nabatid na umani ng reaksyon sa social media ang naturang submarine ng ito ay nag-ooperate pa sa Cebu City dahil sa nasisira umano nito ang mga coral reefs.

Samantala tiniyak naman ni Committee on Tourism Jupiter Gallenero na hindi naman umano ito makaka-apekto sa mga korales sa karagatan ng Boracay kung saan tatakbo lamang ito ng mabagal at aatras pabalik sa isang area kung saan lulutang din umano ito sakaling may korales na madadaanan.

No comments:

Post a Comment