Posted December 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Boracay Action Group |
Dalawang bangka ang bahagyang lumubog sa front beach station
1 Boracay kaninang umaga.
Ito’y matapos hampasin ng malakas na alon bunsod ng
umiiral ng sama ng panahon dala ng bagyong Nona.
Ayon sa Boracay Action Group (BAG) wala namang sakay na
pasahero ang mga naturang bangka kung saan sinasabing ito ay ginagamit para
lamang sa island hopping activity.
Nabatid na hinayaan na lang muna ng mga operator ang
dalawang bangka hanggang sa bumuti ang lagay ng panahon.
Kaugnay nito, hindi naman pinayagan ng Philippine Coastguard-Caticlan
na mag-operate ang lahat ng water sports activities sa Boracay dahil sa lakas
ng alon.
Samantala, naging pagkakataon naman para sa mga Kite
boarders sa Boracay ang malakas na alon at hangin sa front beach.
No comments:
Post a Comment