Posted November 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Totoo man o hindi ang mga “threat” sa isla ng Boracay ay
tinitiyak parin ngayon ng Philippine Coastguard (PCG) Caticlan ang kanilang Security
Plan.
Sa panayam ng YES FM Boracay kay PCG Caticlan Commander Lt.
Idison Diaz, sinabi nito na mahigpit ang kanilang ginagawang pagpapatupad ng
seguridad sa mainland Malay at isla ng Boracay pagdating sa pag-momonitor ng
mga sasakyang pandagat dahil sa mga sinasabing pagbabanta sa isla.
Ani Diaz kailangan din nilang magdagdag ng mga personnel
na mag-momonitor sa ibang area sa isla katulad sa Yapak kung saan may mga
dumadaong na maliliit na bangka mula sa katabing isla at sa malalaking resort
sa lugar.
Dagdag pa ni Diaz mahigpit umano ang kanilang pagbabantay
sa mga passenger vessel kasama na sa Manoc-manoc area at sa Cargo area.
Maliban dito naka-alerto din umano sa pagbabantay ang
kanilang mga personnel sa beach area sa station 1 at 2 sa pag-check sa mga
motorbanca na ginagamit sa island hopping.
Samantala, katuwang ng PCG sa pagtiyak ng seguridad sa
Boracay at mainland ang Malay PNP, Boracay PNP, BAG at ibang organic group.
No comments:
Post a Comment