Pages

Saturday, November 28, 2015

Security Plan ng Coastguard Caticlan pinaigting dahil sa “threat” sa Boracay

Posted November 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for philippine coast guardTotoo man o hindi ang mga “threat” sa isla ng Boracay ay tinitiyak parin ngayon ng Philippine Coastguard (PCG) Caticlan ang kanilang Security Plan.

Sa panayam ng YES FM Boracay kay PCG Caticlan Commander Lt. Idison Diaz, sinabi nito na mahigpit ang kanilang ginagawang pagpapatupad ng seguridad sa mainland Malay at isla ng Boracay pagdating sa pag-momonitor ng mga sasakyang pandagat dahil sa mga sinasabing pagbabanta sa isla.

Ani Diaz kailangan din nilang magdagdag ng mga personnel na mag-momonitor sa ibang area sa isla katulad sa Yapak kung saan may mga dumadaong na maliliit na bangka mula sa katabing isla at sa malalaking resort sa lugar.

Dagdag pa ni Diaz mahigpit umano ang kanilang pagbabantay sa mga passenger vessel kasama na sa Manoc-manoc area at sa Cargo area.

Maliban dito naka-alerto din umano sa pagbabantay ang kanilang mga personnel sa beach area sa station 1 at 2 sa pag-check sa mga motorbanca na ginagamit sa island hopping.

Samantala, katuwang ng PCG sa pagtiyak ng seguridad sa Boracay at mainland ang Malay PNP, Boracay PNP, BAG at ibang organic group.

No comments:

Post a Comment