Posted November 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Positibo umano at masaya si Regional Director Helen
Catalbas ng Department of Tourism (DOT) 6 sa performance ng Boracay pagdating
sa tourist arrival ngayong taon.
Ito ang sinabi sa panayam ng YES FM 911 kay DOT Boracay
Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete.
Aniya, masaya umano si Catalbas dahil umabot na ngayon sa
1.3 million ang naitalang tourist arrival sa Boracay simula Enero hanggang
Oktobre ngayon taon.
Dahil dito, kumpiyansa umano si Director na maaabot nila
ang target na 1.5 million tourist arrival para sa taong 2015.
Sa kabilang banda sinabi ni Velete na pasok sa top 3 sa
pinakamaraming turistang dumadayo sa bansa ang isla ng Boracay kung saan
nangunga rito ang Cebu at sinundan naman ng NCR Region.
Ngunit sa kabila nito, nilinaw ni Velete na ang Cebu at
NCR ay malalaking siyudad kumpara sa Boracay na binubuo lamang ng tatlong Brgy.
sa ilalim ng isang bayan pero madaming pumupuntang turista dahil sa economic
growth.
Samantala, ang Korean nationals parin ang nangunguna
pagdating sa tourist arrival sa Boracay kung saan umabot na sa mahigit dalawang
daang libong koreano ang nagbakasyon sa Boracay nito lamang taon na sinundan
naman ng Chinese; Taiwanese; Malaysian; American at iba pang bansa sa Europa.
No comments:
Post a Comment